P354.87-M droga, sinilaban

Pinagtulungan ng mga opisyal ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pangunguna ni Usec. Director General Arturo Cacdac Jr. ang pagwasak sa P354.87 milyong halaga ng bawal na droga sa Integrated Waste Management, Inc. sa Barangay Aguado sa Trece Martirez City, Cavite kahapon. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Umaabot sa P354.87 milyon halaga ng illegal na droga ang sinunog ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite kahapon ng umaga.

Sa pamamagitan ng thermal decomposition, naabo ang tinatayang 92, 059 kilogram ng mga droga kabilang ang me­tamphetamine hydrochloride (shabu, cocaine, marijuana,ephedrine, ecs­tasy, methylphenidate hydrochloride nakila­lang ritalin, dormicum o midazolam, rivotril o clonazepam, lorazepam na kilalang ativan, alprazolam o aloram, diaze­pam o valium at  expired medicines.

Ayon kay PDEA Usec. Director General Arturo G. Cacdac Jr., kabilang sa mga winasak ay 57,454.75 gramo ng shabu na may halagang P333, 237, 550.00; 5,177. 90 gramo ng cocaine na ang halaga ay P23, 300, 550.00 habang ang 1,977.86 gramo ng  marijuana na P98,893 ang halaga at ibang mga mapanganib na droga.

Isinagawa ng PDEA ang pagwasak sa nasabing droga sa Integra­ted Waste Management Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Sinaksihan ang pagwasak ng mga opisyal ng PDEA at kinatawan ng mga law enforcement agencies mula sa Department of Justice, Dangerous Drugs Board (DDB), Public Attorney’s Office, non-government organizations (NGOs) at mga taga-media. 

Show comments