Love triangle tinapos sa pamamaril... lover ni misis, dedo sa mister
MANILA, Philippines – Niratrat ng isang dating pulis ang kanyang misis at umano’y lover nito habang naglalakad na magkaakbay kamakalawa ng gabi sa Kabacan, North Cotabato.
Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang biktimang si Loloy Sumalpong Bel, 34 dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang malubhang nasugatan ang umanoy kabit nitong si Cherry Sumatra, 36, ng Brgy, Poblacion.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Ram Hiponia Cea, dating pulis na nakadestino sa Police Regional Office-ARMM na umano ay mister ni Sumatra.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi ay masayang naglalakad na magkaakbay sina Bel at Sumatra sa kahabaan ng Roxas St., Brgy. Poblacion at pagdating sa kanto ng Mantawil St., ay sumulpot ang suspek at agad na sila ay pinagbabaril.
Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Ang mga biktima ay isinugod sa ospital ng mga nakakita sa insidente, subalit ideneklarang dead- on-arrival si Bel habang kritikal naman si Sumatra.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle sa krimen.
- Latest