Tserman pinabulagta ng tandem

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.

 Ang  nasawi ay kinilalang si Angkang Manan, 45, may-asawa, chairman sa Brgy.  Tabuan Lasa Salupin Proper, Isabela City, Basilan.

Sa ulat, pasado alas-6:00 ng gabi ay kasalukuyang nasa harapan ng gusali ng KGK, Lustre, Brgy. Sta Catalina ang biktima nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Veterans Avenue ng lungsod.

Show comments