Pemberton sa Camp Aguinaldo ikukulong
MANILA, Philippines – Sa Camp Aguinaldo na ikukulong si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahatulang guilty sa kasong homicide sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Ito ang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) director Rainier Cruz na unang ipinag-utos ng Olongapo Regional Trial Court na dalhin si Pemberton sa New Bilibid Prison na agad ding binawi at sinabing sa Camp Aguinaldo siya ikukulong hanggang sa may mapagkasunduan ang Pilipinas at Amerika kung saan dapat makukulong ang sundalong Kano.
Subalit, sinabi ni Cruz, posibleng doon na tuluyang makulong si Pemberton dahil sakop ng probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) si Pemberton at may una nang kasunduan sa mutually agreed facility gaya ng Camp Aguinaldo.
Anya, may memorandum of agreement na sa pagitan ng BuCor at Armed Forces of the Philippines na gagamitin bilang extension facility ng New Bilibid Prison ang piitan sa loob ng Camp Aguinaldo.
- Latest