Nanaway sa maingay na kapitbahay, napatay

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 28-anyos na lalaki matapos na siya ay saksakin sa dibdib ng kapitbahay na sinuway nito sa pag-ii­ngay sa tapat ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Nicasio Atibagas, 28, may-asawa, at residente ng Upper Tawi-Tawi, Pangarap Village, Brgy. 181, ng naturang lungsod.

Habang ang suspek na agad dinakip ay kinilalang si Porferio Fuentes, alyas “Dodong”, 49, residente rin ng naturang lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:45 ng gabi ay  naalimpungatan sa pagtulog si Atibagos dahil sa ginagawang pag-iingay ng suspek sa labas ng kanyang bahay.

Lumabas ang biktima para sawayin ang suspek sa pag-iingay nito, subalit paglapit nito ay agad siyang sinaksak sa dibdib.

Show comments