^

Police Metro

42 tiklo sa drug bust

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Quezon Police Provincial Office ang kampanya laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa 42-katao sa isang araw lamang na operasyon  kabilang na rito ang number 1 na tulak kamakalawa.

Ayon kay QPPO director P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, inatasan niya ang mga hepe ng pulisya sa 39 bayan at 2 lungsod sa probinsya ng Quezon na ipatupad ang “One Time, Big Time” kung saan ay naaresto sa bayan ng Lopez, Quezon ang notoryus na nasa talaan ng mga sangkot sa droga na si Leonardo Palad.

Sa Lucena City ay nasakote naman ng mga tauhan ni P/Supt. Joel de Mesa ang 5-katao, 3 sa bayan ng Sariaya, at da­lawa naman sa bayan ng San Narciso.

Nakapaloob sa kampan­ya ang mga isinilbing 20 arrest warrant at 8 search warrant mula sa korte na nagresulta sa pagkakadakip sa kahalintulad na bilang ng mga taong involved sa droga sa iba’t-ibang bayan.

ACIRC

ANG

AYON

BIG TIME

LEONARDO PALAD

ONE TIME

QUEZON

QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE

RONALDO GENARO YLAGAN

SA LUCENA CITY

SENIOR SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with