^

Police Metro

VP Binay, Pacman mainit na sinalubong sa General Santos

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 1,500 katao ang mainit na sumalubong kay United Nationalist Alliance (UNA) presidential candidate,? Vice President Jejomar C. Binay?, at senatorial bet, Sarangani Rep. Manny Pacquiao nang kanilang bisitahin ang General Santos City Public Market.

Sa isang pulong balitaan ay muling inulit ni Pacquiao na si  Binay at mga kandidato ng  UNA ang kanyang susuportahan.

“Ang sinuportahan natin UNA, ang mahal natin na Bise Presidente, at all out support tayo sa kanya at hindi magbabago yan. Dahil naniniwala ako sa plataporma ng ating incoming president na si Jejomar Binay,” wika ni Pacquiao.

Ayon pa kay Pacquiao na napakaganda ng kanilang programa para sa mahihirap dahil naranasan nila kung paano maging mahirap, kaya nararamdaman nila ang kalagayan ng mga mahihirap na tao.

“Ang pagsama ko kay VP hindi ‘yon dahil sa kami ay magkaibigan din kundi naniniwala ako sa plataporma ng UNA, ‘yong paninindigan at ‘yong programa para sa taong-bayan na ang priority is ‘yong mga taong mahihirap dahil kami ay nanggaling sa hirap. ‘Yon nga lagi naming ini-emphasize na ang grupo namin, ang gagawin namin, ang focus namin ay tugunan ‘yong problema sa ating bansa,” wika pa ni Pacquiao.

Sa mga nakalipas na panayam ay sinabi ni Binay na ang 2016 elections ay tungkol sa kahirapan at kung paano itataas ng pamahalaan ang kabuhayan ng mga Filipino.

Ayon kay Binay na labing-isa sa labing-anim na probinsiyang mahihirap sa Pilipinas ay nasa Mindanao kaya’t ang isyu ng kahirapan ang kanilang bibigyan ng atensyon sa lalong madaling panahon. Sa pagkaupo agad ay matugunan ang problema sa kahirapan, kagutuman at kawalan ng trabaho.

ACIRC

ANG

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE

GENERAL SANTOS CITY PUBLIC MARKET

JEJOMAR BINAY

PACQUIAO

SARANGANI REP

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with