MANILA, Philippines – Pagkatapos ng 30 taon na pag-aaway ay tinapos na ito nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating House Speaker Prospero Nograles.
Sinabi ni Nograles na ang kanyang buong pamilya kabilang na si re-electionist Karlo Nograles ay susuporta sa kandidatura ni Duterte sa 2016 presidential elections.
Nilinaw pa nito na kailanman ay hindi naging personal ang politika sa Davao kaya kailangan na silang magkaisa.
Para naman kay Duterte dapat lang na suportahan siya ng mga Nograles dahil bukod sa magkakamag anak sila ay tapos na rin ang anumang isyu sa pagitan nila.
Sakali namang manalo bilang pangulo si Duterte inaasahang si Rep. Karlo Alexie Nograles ang susunod na Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.