^

Police Metro

Ex-Mayor Peewee Trinidad, 10 taong kulong sa kasong graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Sandiganbayan ng 10-taong pagkabilanggo si da­ting  Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad matapos mapatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong  graft may kinalaman sa maano­malyang pagtatayo ng shopping center noong 2004. 

Sa 30-pahinang desisyon, napatunayan ng Sanadiganbayan First Division na guilty si Tri­nidad kasama ang mga akusadong sina dating Pasay City Councilor Jose Antonio Roxas sa paglabag sa  Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Article 237 of the Revised Penal Code.

Nag-ugat ang kaso sa sinasabing maanomalyang pag-a-award ng P489.950-milyong contract sa pribadong kumpanya na Izumo Contractors, Inc. noong  February 4, 2004 para sa pagtatayo ng Pasay City Mall at palengke sa  Antonio S. Arnaiz A­venue.

Bukod sa tig-10 taong bilanggo na hatol kina Trinidad at Roxas, may dagdag pang isang taong kulong sa mga ito dahil sa paglabag sa RPC.

Bukod sa pagkakulong, pinagbabawalan na rin ang mga itong magtrabaho sa alinmang posisyon sa gobyerno.

Pinagmumulta rin ang dalawang akusado ng P200 milyon kada isa sa halip na bayaran ang buong halaga ng kontrata dahil hindi napatunayan ng prosekusyon na ang proyekto ay nagbigay ng epekto sa pamahalaan.

Inutos din ng korte na e-archive ang katulad na kaso laban sa mga co-accused na sina Joselito Ma­nabat at Alexander Ramos na mga private individuals dahil patuloy pa rin ang mga itong nakalalaya sa batas.

ACIRC

ALEXANDER RAMOS

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ANTONIO S

ARNAIZ A

BUKOD

FIRST DIVISION

IZUMO CONTRACTORS

JOSELITO MA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with