LGUs ‘walang paki’ sa Mabuhay Lanes
MANILA, Philippines – Matapos magbalikan ang nakahambalang na mga sasakyan, binalikan kahapon ng Metropllitan Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG) ang Mabuhay Lanes sa may bahagi ng Quezon City para sa clearing operation laban sa illegal parking.
Ayon kay Mabuhay Lanes Task Force head Ed Lara, wala namang nangyaring tensiyon sa kanilang operasyon dahil kusa na umanong inalis ng mga residente ang mga nakaparadang sasakyan at mga kagamitan na nakahambalang sa kalsada.
Gayon pa man, dismayado si Lara sa kawalan ng kooperasyon ng local government units (LGUs) sa kanilang ginagawang paglilinis sa mga alternabong ruta kaya nagbalikan ang mga pasaway na mga motoristang pumaparada ng illegal.
“Ang tulong at partisipasyon lamang ng mga LGUs ang kailangan upang mapanatiling malinis ang mga itinalagang alternatibong ruta,” pahayag ni Lara.
Matatandaan, sa inisyung memoramdum ng DILG ay nakapaloob ang pag-uutos sa mga LGUs na makipagtulungan sa clearing operation ng Mabuhay Lanes laban sa lahat ng uri ng traffic obstructions.
- Latest