MANILA, Philippines – Aabot sa 1,000 pamilya ang nawalan ng bahay matapos na tupukin ng sunog ang kanilang mga bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Mandaluyong Fire Department, sinasabing faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog dakong alas-2:34 ng hapon sa bahay ng isang alyas Jopay sa Block 32, Molave St.. na mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na pawang yari sa kahoy.
Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring lumalawak ang lugar na tinutupok ng apoy.