MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang silang natatanggap na seryosong banta ng pag-atake ng mga teroristang grupo laban sa Pilipinas matapos mapaulat na nagpaplano umanong umatake ang mga teroristang grupo partikular na ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Ang nakakaalarmang balita ay matapos naman ang matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015.
Unang nanawagan si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa publiko na iwasan ang magtungo sa mga matataong lugar dahilan umano sa banta ng terorismo matapos naman ang pag-atake sa isang Radison Blu hotel sa Bamako, Mali kamakailan na ikinasawi ng mahigit 20 katao. Nanawagan naman ang AFP sa mamamayan na manatiling vigilante laban sa terorismo.