Bagyo papasok sa PAR ngayong gabi

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo ng gabi ay papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang bagyo na may international name na “In-Fa” kapag hindi nagbago ang direksyon nito.

Ayon kay Ben Oris, weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) namataan ang bagyo sa layong 1,810 kilometro ng silangan ng Samar dakong alas-10:00 ng umaga kahapon na may lakas na hanging 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 210 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang natu­rang bagyo sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras at kapag nakapasok na sa PAR ang naturang bagyo ay tatawagin itong Marilyn. Inaasahan bukas ng umaga ang naturang bagyo ay nasa layong 1,395 kilometro ng silangan ng Catanduanes.

 

Show comments