^

Police Metro

Fish kill sa Manila Bay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bago pa tuluyang ma­matay ang mga nagsilutangang isda na kung tawagin ay “Banak” partikular ang kahabaan malapit sa breakwater at paligid ng Manila Yacht Club sa Malate kahapon ng umaga ay hindi na nahirapan ang mga ma­ngingisda sa lugar na hulihin ito.

Ilan sa kanila ay  may mga dala-dalang net na halos humigit kumulang sa 5 kilo ang nakuha at patuloy pa sa pagsilo sa mga lumulutang na isda.

Mistulang hilong-hilo umano ang mga isda bago ito makitang patay na lumulutang.

Pinaniniwalaang tulad ng mga nakaraang insidente na mas mababa ang oxygen level sa nasabing lugar o kaya oxygen depletion kaya hindi sapat para mabuhay ang mga Banak.

Magugunita na noong Pebrero 16 nang magsilutangan din ang mga nasabing isda  sa nasabing bahagi ng Manila Bay na hinala ng mga otoridad na posibleng dulot ito ng pollution sa tubig na ang sanhi ay ang stagnant waters na humalo sa fresh sea water.

Ang paligid ng Manila Yacht Club ay may maraming fish fence na pinaghahanguan ng mga alagang isda.

Muli iimbestiga­han ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) ang dahilan ng fish kill.

ACIRC

ANG

BUREAU OF FISH AND AQUATIC RESOURCES

ILAN

MAGUGUNITA

MANILA BAY

MANILA YACHT CLUB

MGA

MISTULANG

MULI

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with