Pinagbabaril ng tandem... riding in trio inutas

MANILA, Philippines – Tatlong katao na sakay ng isang motorsiklo ang pinagbabaril ng isa sa riding in tandem na dumikit sa kanila habang binabaybay ang kahabaan ng national highway ng Brgy. Pandan, Lambunao, Iloilo kahapon ng mada­ling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktima na kinilalang sina Alex Acopio, 27, driver ng motorsiklo at mga angkas nitong sina Jasmine Navarra na kaniyang nobya at Dory May Lozada, 25.

Batay sa ulat ng Ilo­ilo Police, bago nangyari ang krimen sa kahabaan ng nasabing highway bandang alas-12:30 ng madaling araw ay kasalukuyang bumabagtas ang motorsiklo ng mga biktima na minamaneho ni Acopio galing sa Passi City nang sundan ng motorcycle riding in tandem.

Pansamantalang huminto sa isang burger station ang mga biktima at ilang minuto ay muling sumakay ng motorsiklo  pa­balik na sa kanilang lugar nang sila ay pagbabarilin ng backrider bago mabilis na nagsitakas.

Narekober ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ang mga basyo ng bala ng cal. 9 MM.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang krimen sa pagiging treasurer ng Barangay Tranghawan si Acopio.

Show comments