Estudyante napisak ng bus

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 19-anyos na estudyanteng si Reymar Caling, ng Brgy. Tawang, La Trinidad, Benguet makaraan itong aksidenteng mahulog at magulungan pa ng sinakyang bus sa kahabaan ng highway ng Upper Tomay, La Trinidad ng lalawigan kamakalawa.

Arestado naman ang driver ng Dangwa bus (AHK-743) na si Eugene Galaty, 46-anyos.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente bandang alas-6:45 ng umaga sa bahagi ng highway ng Upper Tomay ay bumaba ang biktima sa bus na marahang umaandar nang mawalan ito ng balanse at napatihaya kaya’t nagulungan ito at nakaladkad pa ng naturang bus.

Show comments