Lalaki utas sa love triangle
MANILA, Philippines – Agawan ng dalawang lalaki sa isang babae o love triangle ang dahilan nang pagpatay sa biktima nang ito ay barilin sa harap ng nobya ng suspek na dating karelasyon ng huli sa loob ng bahay kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Ang biktima na nasawi sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Orly Sister, na nagtamo ng tama ng bala na puso. Habang ang suspek na tumakas ay nakilalang si Edwin Villanueva.
Sa ulat, pasado alas- 8:00 ng gabi ay nasa loob ng bahay ang biktima katabi ang kanyang nobyang si Marivic Bermoy nang biglaang pumasok ang suspek na armado ng baril at agad na binaril ang biktima.
Ayon sa pulisya na dating kasintahan ni Bermoy ang suspek na kahihiwalay lang nila ng ilang buwan.
- Latest