MANILA, Philippines – Umalis na rin kahapon ang labindalawang head of states na dumalo sa 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) matapos ang pormal na pagtatapos ng summit bandang alas-4:30 ng hapon kahapon.
Unang umalis kahapon ng alas-9:00 ng umaga si Colombian President Juan Manuel Santos na inimbitahan ni Pangulong Benigno Aquino III bilang observer sa 23rd APEC Summit.
Magkakasunod namang umalis din kahapon sina Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohd Najib Tun Abdul Razak; Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei; Australian Prime Minister Malcolm Turnbull; Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong; Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha at Chinese President Xi Jingping.
Umalis na rin kagabi sina Mexican President Enrique Peña Nieto, Vietnam President Truong Tan Sang, HongKong chief executive CY Leung, President Michelle Bachelet ng Chile at Peruvian President Ollanta Humala Tasso.
Ngayong araw ay aalis naman sina Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, Canadian Prime Minister Justin Pierre James Trudeau, Indonesian Vice-President Jusuf Kalla, Korean President Park Geun-Hye, Hon. Vincent Siew ng Chinese Taipei at Japan Prime Minister Shinzo Abe.
Aalis din ngayong alas-12:00 ng tanghali si Pangulong Aquino III kasama ang kanyang delegasyon patungong Kuala Lumpur, Malaysia upang dumalo sa ASEAN Summit mula Nob. 20-22.
Kasunod namang aalis ni Pangulong Aquino si US President Barack Obama pabalik ng Estados Unidos at bandang alas-12:30 ng hapon naman ay aalis na rin si New Zealand Prime Minister John Key.