Kaso laban sa mga pinuno ng INC, dinismis

MANILA, Philippines - Dahil sa kawalan ng probable cause ay dinismis ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang reklamong laban sa mga pinuno ng Iglesia ni Cristo (INC) na isinampa ng dating ministro ng INC na si Isaias Samson at dating  miyembro si Jose Noriito Fruto.

Batay sa dalawang magkahiwalay na re­solusyon na inilabas noong Nobyembre 13 ay sinabi ng DOJ na ang mga opisyal ng INC ay hindi maaaring  isangkot sa reklamong “grave coercion” na isinampa ni Samson matapos walang maibigay ng patunay na pinilit itong  gumawa ng mga bagay laban sa kanyang kalooban.

Nabigo si Samson na magbigay ng kahit na anong  ebidensya sa usapin ng intimidasyon sa pagkakakompiska ng kanyang pasaporte, sasakyan, laptop, cellphone at iba pang mga kagamitan.

Hindi rin nakitaan ng kahit na anong e­lemento ng pamumwersa, pagbabanta at intimidasyon batay sa reklamo nito hinggil sa umano’y pwer­sahang panloloob sa  kanyang pamamahay dahil wala ito sa kanyang bahay maging ang miyembro ng kanyang pamilya.

Ganoon din ang pagturing ng DOJ sa reklamong isinampa ni Fruto kasabay ng  pagsabing walang probable cause sa kasong illegal arrest, arbitrary detention at  violation of abode.

Show comments