^

Police Metro

Condonation doctrine pwedeng gamitin ni Mayor Binay-law experts

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maaari pa rin gamitin ni Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., ang  condonation doctrine sa pagkuwestiyon sa ginawang pagdismis sa kanya ng Ombudsman simula nang iabandona ng  Supreme Court ang doktrina na inaasahan na maaaring gamitin sa mga hinaharap na kasong darating.

Ito ang naging pahayag nina   dating  Integrated Bar of the Philippines president Vicente Joyas, dating University of the East law dean Amado Valdez at dating  University of the Philippines law dean Pacifico Agabin.

Sumangayon ang mga law experts na maaari pa ring kuwestiyunin ni  Binay ang dismissal order ng  Ombudsman noong nakalipas na buwan at maibalik sa kanya ang posisyon bilang alkalde sa pamamagitan nang paggamit ng nasabing doktrina na pwedeng magpatawad sa isang nahalal na opisyal na may nagawang pagkakamali.

“He can still invoke the doctrine if the decision of his dismissal is premised on the non-application of the doctrine and Junjun invoked it in that case,” wika ni  Joyas.

Sinang-ayunan nina Valdez at Agabin ang pahayag ni Joyas at binigyang diin ang kahalagahan ng “prospective” nature sa naging desisyon ng SC sa pag-abandona ng condonation doctrine, na humahadlang para maging “retroactive.”

Binigyang muli ni Valdez na ang umano’y illegal na pagkaso laban kay Binay ay dapat na nangyari bago ang doktrina ay ibinasura ng SC.

Hindi naman sumang­ayon sa mga pahayag ng legal experts si SC spokesman Theodore Te, na naniniwala na si  Binay ay hindi na maaa­ring gamitin pa ang  doctrine laban sa pagsibak sa kanya dahil sa kaso ng  Makati parking buil­ding.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

BINAY

BINAY JR.

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOYAS

JUNJUN

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN

NBSP

PACIFICO AGABIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with