MANILA, Philippines – Maging ang mga sasakyan ng mga mamamahayag ay hindi papayagang gamitin ang tinatawag na “EDSA APEC Lanes”.
Ito ang pahayag ni P/Chief Supt. Arnold Gunnacao, hepe ng PNP-Highway Patrol Group kahapon.
Ayon kay Gunnacao, tanging ang mga sasakyan na may plakang “APEC 2015” ang pahihintulutang gumamit ng nasabing mga kalye.
Ang Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders Meeting sa Metro Manila ay magsisimula sa Nov. 17 hanggang Nov. 20, 2015.
Umapela si Gunnacao sa mga media at sa publiko sa ginagawa nilang paghihigpit dahil kailangan lang anyang protektahan ang mga delegado na dadalo sa APEC laban sa posibleng banta sa kanilang seguridad.