MANILA, Philippines – Pinababasura ng Korte Suprema ang suspension order ng Office of the Ombudsman laban kay dismissed Makati Mayor Junjun Binay nang katigan ang naunang desisyon ng Court of Appeals.
Ginamit ni Binay ang condonation doctrine nang kuwestiyunin nito ang preventive suspension order na inilabas ng Ombudsman.
Ayon sa isang court insider, napagpasyahan ng mga mahistrado na ibasura ang doctrine kung saan hindi maaaring panagutan ng isang elected official ang pagkakasala ng kanyang predecessor tulad na rin ng kaso ng dinismis na si Mayor Binay.
Paliwanag ni Binay na hindi pa siya ang alkalde ng Makati sa sinasabing una at ikalawang anomalya habang ang ang ikatlo at ikaapat na bahagi ng proyekto ay isinagawa mula 2010 hanggang 2013.
Ibinunyag din ng SC source na binibigyan din ng kapangyarihan ng SC ang CA na muling pag-aralan at ipatigil ang administrative order ng Ombudsman laban kay Binay at iba pang opisyal.
Kaya’t binalewala din ng SC ang pahayag ng Ombudsman
Conchita Carpio Morales na tanging ang SC lamang ang siyang may kapangyarihan na mag-review at magpatigil ng administrative na nakasaad sa Section 14 of Republic Act No. 6770 (Ombudsman Act).
Wala naman makapakumpirma sa isyu dahil wala pang inilalabas na promulgation ang SC hinggil sa isyu.