MANILA, Philippines – Nakatakdang imbitahan ni Senator Sergio Osmeña III, acting chairman ng Senate committee on public services ang mga naging biktima ng tanim-bala scam sa gagawing pagdinig ng komite bukas.
Bukod sa imbitasyong ipapadala sa mga biktima ay kukunin din ng komite ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa sinasabing scam sa Ninoy Aquino International Airport.
Umaabot na sa isang dosena ang mga naging biktima ng tanim-bala na napakawalan matapos magpiyansa.
Ayon pa kay Osmeña na ilalagay nila sa record ang testimonya ng mga biktima ng tanim-bala na ang iba ay mga overseas Filipino workers (OFWs).
Naniniwala rin umano si Osmeña na may sindikato sa NAIA lalo pa’t 14 na kaso lamang ang napaulat noong 2014 na tumaas at naging 115 ngayong 2015.