^

Police Metro

Poe muling sinampahan ng ika-5 disqualification case

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalimang pagkakataon ay muling sinampahan ng disqualification case si Senador Grace Poe bunsod na rin ng pagtakbo nito sa   presidential elections sa 2016.

Ang ikalimang disqualification case ay inihain ni University of the East’s College of Law Dean Amado Valdez sa Commission on Elections (Comelec) law department.

Sa 22 pahinang petisyon ni Valdez nakasaad na hindi umano nakapasa sa residency requirement si Poe, dahil kung pagbabatayan ang kanyang inilagay na haba ng residency sa Pilipinas sa kanyang COC sa pagka-senador noong 2012 lumalabas na nine years and six months pa lamang ang kanyang pananatili sa Pilipinas sa May 2016 na kapos ng anim na buwan para makamit ang requirement na sampung taon.

Kung pagbabatayan naman ang RA 9225 o Citizenship retention and Reacquisition Act, lalabas na naibalik lamang kay Poe ang kanyang Filipino citizenship, subalit hindi ang pagiging natural-born citizen.

Kahit mapatunayan ni Poe na siya ay natural born, nawala na iyon nang bitawan niya ang pagkamamayan ng bansa. 

Una nang naghain ng  diskuwalipikasyon sina  presidential aspirant Rizalito David,  dating DOJ prosecutor Estrella Elamparo, dating Senador Francisco ‘Kit’ Tatad at De La Salle University political science professor Antonio Contreras.

ANG

ANTONIO CONTRERAS

COLLEGE OF LAW DEAN AMADO VALDEZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

ESTRELLA ELAMPARO

NBSP

PILIPINAS

REACQUISITION ACT

RIZALITO DAVID

SENADOR FRANCISCO

SENADOR GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with