Chinese President Xi Ping dadalo sa APEC Summit
MANILA, Philippines - Dadalo sa APEC 2015 Summit si Chinese President Xi Ping kasama ng mahigit 20 state leaders sa November 18-19 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ito ang kinumpirma ng Malacañang batay sa pahayag ni Ambassador Marciano Paynor Jr., APEC national organizing executive director.
Nakatanggap na ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalo si President Xi Ping, pero walang abiso kung lalahok ito sa 11 formal na bilateral talks.
Nakiusap din si Amb.Paynor sa publiko na makiisa sa inilatag na seguridad para sa APEC Summit 2015 upang maging maayos ang pagiging host ng Pilipinas sa APEC.
Bukod dito ay nanawagan din ang gobyerno sa publiko na makiisa sa ipinatupad na traffic rerouting mula November 16-20 partikular sa Roxas Blvd. kung saan ay naroroon ang PICC na paggaganapan ng APEC.
Ipapatupad din ang “no rally no permit policy” kasabay ang pagpapatupad ng maximum tolerance ng pulisya.
- Latest