MANILA, Philippines – Mahigpit ang ipapatupad na seguridad sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit na dadaluhan ng 21 head of state na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa darating na Nobyembre 17-20 ng taong ito kaya’t ipinagbabawal ang paglalayag sa Manila Bay.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman Col. Edgard Arevalo, magsasagawa ng seaborne patrol ang Philippine Navy at Philippine Marines na kabilang sa AFP Task Force-National Capital Region (AFP-NCR) na aayuda sa pagbibigay ng seguridad sa APEC.
Unang nang inihayag ng mga opisyal ng AFP ang pagpapatupad ng no fly zone sa Metro Manila partikular na sa tapat ng mismong venue ng okasyon habang posible ring ma-jam ang signal ng mga cellular phone.
Sinabi ni Arevalo na mahigit na tututukan ng kanilang seaborne patrol ang karagatan ng Manila Bay upang matiyak ang seguridad dahilan malapit lamang ito sa venue ng APEC Summit sa PICC.