^

Police Metro

Pekeng KBL bets sa Bulacan, kinasuhan

Pang-masa

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Posibleng mabilanggo ang apat na kandidato ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) Party sa bayan ng Pandi matapos kasuhan ng perjury at falsification of public documents sa Bulacan Prosecutors Office sa lungsod na ito kamakailan.

Sa 6-pahinang reklamo ni Elizalde Malindog, 43, ng Brgy. Bagong Barrio, Pandi, sinabi niyang nagsinunga­ling sina Basilio De Mesa, 64, kandidatong alkalde, ng Brgy. Poblacion; at mga kandidatong konsehal na sina Josefina Antonio, 56, ng Brgy. Bagong Barrio; Vicente Fernandez, 59, ng Brgy. Poblacion; at Danilo Granel, 39, ng Brgy. San Roque, pawang ng Pandi, Bulacan.

Sinabi ni Malindog na nag-file ang grupo ni De Mesa nitong Oktubre 16 sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) gamit ang umano’y pekeng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) mula sa KBL Party para makatakbo sa halalan sa Mayo 9, 2016.

Lumagda sa CONA ang nagpakilalang presidente ng KBL Party na si Vicente Millora kaya malinaw na “peke” ang dokumento dahil hindi otorisadong lumagda ng CONA para sa KBL si Millora.

Kasama sa mga dokumentong iprinisinta ni Malindog ang liham ng KBL Party sa Comelec Law Department noong Oktubre 9, 2015 na ang mga may karapatan lamang lumagda ng CONA para sa partido ay sina Atty. Jose Vicente Opinion, Prof. George Balagtas at Rogelio De Leon Luis.

ANG

BAGONG BARRIO

BASILIO DE MESA

BRGY

BULACAN PROSECUTORS OFFICE

CERTIFICATE OF NOMINATION AND ACCEPTANCE

COMELEC LAW DEPARTMENT

DANILO GRANEL

DE MESA

ELIZALDE MALINDOG

PANDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with