3 katao dinedo sa droga
MANILA, Philippines – Tatlong katao ang pinagbabaril at napatay na may kaugnayan sa droga sa magkahiwalay na pangyayari sa Sampaloc, Maynila at Zamboanga City.
Namatay noon din si Daniel Fortales, 30, ng Sampaloc, Maynila dahil sa tatlong tama ng bala sa mukha.
Bago ito ay dumating ang tatlong lalaki at pinasok sa bahay ng biktima dakong alas-9:30 ng gabi at ilang minuto ay lumabas ang mga ito na pinipilit na isakay ang huli sa kanilang sasakyan hanggang sa paputukan ito.
Pagkatapos ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang puting Toyota Fortuner (AIA-4576).
Nakakuha naman ng isang sachet ng shabu at paraphernalia at dalawang basyo ng 9mm baril ang mga pulis sa bahay ng biktima.
Natagpuang patay rin ang isang hindi pa kilalang babae at lalaki matapos na pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Zone 3-B, Brgy. Cawit, Zamboanga City.
Nabatid na hinihintay ng dalawang biktima ang isang alyas Kuya Bata sa lugar nang biglang sumulpot ang isang salarin at pinagbabaril ang mga ito.
May hinala ang pulisya na onsehan sa droga ang motibo ng krimen dahil sa talamak na bentahan ng bawal na gamot ang nasabing lugar.
- Latest