6 COA auditor sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines – Sinibak ng Ombudsman ang anim na COA auditor sa kasong grave misconduct matapos tumanggap ng multi-milyong pisong bonus galing sa Local Water Utilities Administration mula 2006 hanggang 2010.
Bukod sa pagkasibak sa serbisyo ay hindi na rin maaari pang magtrabaho sa gobyerno at pagkansela ng kanilang civil service eligibility at hindi na rin makakatanggap ng kanilang retirement benefits sina Juanito Daguno, Jr.; Proceso Saavedra; Teresita Tam;Corazon Cabotage; Evangeline Sison, at Vilma Tiongson; kasama rin sa sinibak ang mga data machine operators na sina Violeta Gamil at Roberto Villa.
Nahaharap din sa kasong criminal indictment dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga COA executives na sina Edna Anical; Thelma Baldovino; Evelyn De Leon; Nestorio Ferrera; Zoharayda Obog; Ligaya Principio; Jesusa Punsalan at Paulino Sarmiento.
Habang sina LWUA executives Lorenzo Jamora, Wilfredo Feleo, Orlando Hondrade at Daniel Landingin ay guilty sa simple misconduct at suspendido ng anim na buwan na walang sahod.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na si Jamora at LWUA executives ay inaprubahan at pinirmahan ang Letters of Instructions para sa pag-isyu ng mga tseke sa LWUA at COA personnel sa irregular na mga bonus mula 2006-2010.
Ang mga natanggap na bonus nina Anical-P789,000; Baldovino-P886,000;De Leon,-P517,000;Daguno, Jr.-P615,000;Ferrera,-P961,000;Gamil-P834,000;Obog-P658,000;Principio-P642,000; Punsalan,-P602,000 Saavedra-P692,000;Sarmiento-P703,000;Tam-P592,000;Villa- P650,000;Cabotage-P542,000; Sison-P183,000, at Tiongson-P164,000.
- Latest