^

Police Metro

Pig holiday isasagawa ng AGAP

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bunsod ng patuloy na nagaganap na technical smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa ay iniumang ng grupo ni Congressman Nicanor ‘Nick’ Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) ang limang araw na pig holiday.

Ayon kay Rep. Briones, nawawalan na ng halos dalawang bilyong piso kada-buwan ang mga backyard hog and poultry raiser sa bansa dahil sa
technical smuggling na pinapalusot umano ng mga tiwaling opisyal at tauhan sa Bureau of Customs (BoC).

Malapit nang sinasapinal ang petsa ng ma­laking kilos protesta na pig holiday at tiyak na mawawalan ng suplay ng karne ng
baboy at manok sa merkado upang ipakita ang kanilang galit kay Customs Commissioner Bert Lina dahil sa kawalan nito ng aksiyon at malasakit para matigil ang laganap technical smuggling na pumapatay sa kabuhayan ng mga maliliit na magbababoy at magmamanok sa bansa.

Ani Briones ay bumagsak na ang presyo ng baboy sa farm price, mula sa dating presyo na 118 kada kilo noong September, pero ngayon November ay nasa 100 per kilo na lamang ang farm price.

ACIRC

AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

ANG

ANI BRIONES

AYON

BRIONES

BUNSOD

BUREAU OF CUSTOMS

CONGRESSMAN NICANOR

CUSTOMS COMMISSIONER BERT LINA

MALAPIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with