MANILA, Philippines – Isang Special Task Force ang binuo ng Department of Justice na tututok sa imbestigasyon sa umanoy laglag o tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pinirmahan ni Justice Secretary Alfredo Benjamin ang Dept Order No. 887 na bumuo sa National Bureau of Investigation (NBI) Task Force na pamumunuan ni Agent Manuel Antonio Eduarte.
Inaatasan ang NBI Special Task Force na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na bubusisi sa lahat ng mga dokumento na may kinalaman sa tanim bala scam, kumuha ng mga panayam at salaysay mula sa mga opisyal at kawani ng gobyerno, at kumalap ng mga dokumento at recording sa loob ng 15 araw.
Kung magkakaroon ng sapat na batayan ay inaatasan ang task force na maghain ng kaukulang reklamong kriminal at administratibo.