Ex-mayor ng Albay, 1 pa kulong ng 8 taon sa graft

MANILA, Philippines – Walong taon na pagkakulong ang inihatol ng Sandiganbayan kina dating  Camalig, Albay Mayor Paz Muñoz at municipal engineer Rene Ortonio  matapos mapatunayang guilty sa kasong graft na may kinalaman sa maanomalyang  maintenance contracts ng limang  service vehicles noong taong 2003.

Ang kaso ay nag-ugat mula sa 2003 Annual Audit Report of the Commission on Audit (COA) na ang lahat ng  repairs kasama na ang vehicle carwash sa Legazpi Tireworld Corporation ay nabayaran ng P447,027.53.

Dito ay nakita ng  COA ang mga iregularidad tulad ng kawalan ng pre-at post-inspection reports at tamang  canvass  para sa repairs ng mga sasakyan, nagkaroon ng undated requests sa bids; at sa submission ng bids.

Hindi pinaniwalaan ng graft court ang depensa ni  Muñoz  na ang nangyari ay isang honest mistake dahil sa dami ng kanyang trabaho.

Bukod sa kulong, hindi na rin sila pinapayagan na makapagtrabaho sa alinmang posisyon sa tanggapan ng gobyerno.

Show comments