‘Tanim-bala sa NAIA’ binubusisi na ng DOTC
MANILA, Philippines – Binubusisi na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang ulat na “Tanim-Bala” na umanoy extortion racket ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nambibiktima ng mga papaalis na overseas Filipino workers at banyaga sa bansa.
Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, hindi dapat mangyari ang bagay na ito lalupa’t mali talaga ang naturang gawain.
Tiniyak din ni Abaya na agad parurusahan ng tanggapan ang sinumang airport personnel na mapapatunayang sangkot sa naturang modus operandi.
Sinasabing karaniwang target ng sindikato ay ang mga OFWs na walang kalaban-laban.
Una nang naiulat na isang 56-anyos na OFW mula HongKong ang nahuli sa NAIA nang kakitaan ng bala ng baril na nakalagay sa bag.
Ilan ding indibidwal ang nahulihan ng bala sa airport nang aminin na gamit nilang anting-anting sa kanilang paglalakbay.
Mayroon namang nagsabi na nasama sa bagahe ang dalang bala bilang remembrance mula sa pinagmulang firing range.
Muli, pinaalala ni Abaya sa publiko na bawal ang magdala ng bala sa pagsakay sa eroplano.
Kung biktima naman anya ng “Tanim-Bala” ay agad ipagbigay-alam sa ahensiya para maparusahan ang nasa likod nito.
- Latest