MANILA, Philippines – Napinsala ang dalawang transmission towers ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang pasabugan ng bomba ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Sugod, Marawi City kamakalawa.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maitala ang pagsabog sa NGCP transmission towers Number 19 at 20 sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Sugod ng lungsod na ito na sa lakas ng pagsabog ay narinig pa ito may isang kilometro ang layo mula sa national road.
Nagdulot din ng malawakang blackout sa lugar dahil ang nasabing mga transmission towers ay siyang nagsu-suplay ng kuryente sa AGUS 2 na nakabase sa Brgy. Pawak, Saguiaran, Lanao del Sur hanggang sa bahagi ng Davao Complex.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog.