MANILA, Philippines – Napipilitan ang mga magsasaka na naging biktima ng bagyong Lando na umutang sa 5/6 na tinatawag din na “loan shark” dahil sa nararanasang kagipitan sa buhay.
Kaya hiniling ni Senator Sonny Angara, sa mga nagpapautang na hindi dapat na mapagsamantalahan pa sa pagpapataw ng malaking interes sa magsasaka lalo sa mga lalawigan partikular sa Aurora.
Sinabi ni Angara na dahil sa matinding pinsalang sinapit ng agrikultura dahil sa bagyo ay kumapit sa patalim ang mga maliliit na magsasaka at kumagat sa tinatawag na 5/6 makabawi lamang sa nagdaang kalamidad.
Ang bagyong Lando ay kinokonsiderang pinakamatinding bagyong humagupit sa bansa ngayong taon na umabot sa P9.8B ang winasak na agrikultura at imprastraktura ni at mahigit P8B naman sa mga pananim at livestock.
Sa paniwalang makababawi sa mga tinamong pinsala sa bukirin, lumalapit umano ang mga magsasaka sa informal lenders at pumayag na patubuan nang hanggang 25 porsyento kada buwan ang kanilang inutang.