MANILA, Philippines – Isama na ng pamahalaan ang haze sa disaster plan dahilan sa malawakang epekto nito sa kapaligiran at sa mamamayan.
Ito ang iginiit ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje dahil maigsi ang paraan at paggising ay andiyan na.
Maaaring manumbalik ang haze sa bansa sa oras na may dumating na bagyo sa Pilipinas hangga’t hindi pa napapatay ang sunog sa Indonesia.
Una na namang niliwanag ng PAGASA na walang haze sa Metro Manila dahilan sa ang namamataang usok dito ay bunga lamang ng matinding polusyon.