MANILA, Philippines – Muli na namang sinampahan ng panibagong kaso si Pangulong Noynoy Aquino at Budget Secretary Butch Abad kaugnay ng umanoy maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) and Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ang kaso ay isinampa kahapon ni dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief at presidential aspirant Augusto Syjuco Jr. kahapon sa tanggapan ng Ombudsman.
Bukod kina Pangulong Aquino at Abad ay kasama rin sa kaso sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Senate President Franklin Drilon.
Ayon kay Syjuco, may kabuuang P14.4 bilyon ang ginamit ng DA sa mga kuwestyonableng programa at proyekto ng ahensiya tulad ng farm-to-market roads, credit financing para sa livestock sector at financial assistance para sa mga commercial crops.
Ang reklamo ay ibinase ni Syjuco, sa annual audit reports ng Commission on Audit (COA).