^

Police Metro

Duterte ipahahalili sa pag-atras ni Dino sa pagka-pangulo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinangalanan ng pambato ng PDP-Laban na si Martin Diño, chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kanyang substitute para sa 2016 presidential election matapos na ito ay kusang umatras.

Inihayag ito ni Diño sa pagsusumite niya kahapon ng umaga ng kanyang statement of cancellation/withdrawal sa tanggapan ng Law Department ng Commission on Elections (Comelec) na makikita sa 4th paragraph ng withdrawal letter na magiging subs­titute niya si Duterte.

Paliwanag niya nainsulto siya nang makatanggap ng liham mula sa Comelec Law Dept  na inirereklamo siya bilang nuisance na ang pinagbatayan ay ang panayam sa kaniya ng media na nagsasabing hinihintay lamang niya na magdeklara ng kandidatura sa pagka-presidente si Duterte.

Bukod dito ay pinagdudahan din umano ng Law Dept ang kanyang kapasidad na maglunsad ng national campaign na ayon kay Diño ay walang batayan na ibinatay lamang sa haka-haka o espekulasyon.

Iginiit ng kampo ni Diño na hindi na dapat pang umusad ang motu propio petition ng Comelec Law Dept para ideklara ito bilang nuissance candidate sa pagka-pangulo.

ACIRC

ATILDE

BUKOD

COMELEC

COMELEC LAW DEPT

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

LAW DEPARTMENT

LAW DEPT

MARTIN DI

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with