MANILA, Philippines – Nagbabala kahapon si PNP Chaplain Service Deputy Chief of Administration Supt. Lucio Rosaroso sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng pari na inaasahan na mistulang mga kabuteng nagsusulputan sa mga sementeryo partikular na sa Metro Manila upang mambiktima ng mga magpapabendisyon sa mga puntod ng mga namayapa kaugnay ng paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa.
Ayon kay Rosaroso na karaniwan na umano tuwing sasapit ang Undas ay gumagala ang mga pekeng pari sa mga sementeryo na nag-aalok ng pagbe-bendisyon sa mga puntod.
Sumisingil ang mga pekeng pari ng P 150.00 – P 200.00 pataas kapalit ng kanilang mga isinasagawang pekeng bendisyon ng naturang mga pekeng pari na todo abito pa umano, may dalang bibliya at pang-bendisyon para magmukha ang mga itong alagad ng simbahan at makapanlinlang ng publiko na magpapabendisyon ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Anya, huwag alisin ang pagdududa kapag may nagpakilalang pari na nag-aalok ng dasal sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay kapalit ng kaukulang halaga.