^

Police Metro

May integridad na halalan panawagan ni Alunan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III sa sambayanang Pilipino na magkaisa upang matiyak ang malinis, mapayapa, maayos at may integridad na eleksiyon sa 2016.

Ayon kay Alunan, kumandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party, panahon na upang mamulat ang mamamayan na napakahalaga ng kanilang mga boto para magkaroon ng kredibilidad ang darating na eleksiyon upang hindi matulad sa mga halalan noong 2010 at 2013 na namaniobra umano ang resulta ng halalan.

Nanawagan din siya sa taumbayan na bantayan ang paggastos ng pamahalaan lalo sa calamity funds na maaaring magamit para paboran ang ilang kandidato ng administrasyon.

“Hopefully, ang cala­mity funds ng pamahalaang nasyonal at lokal ay hindi lang sapat para sa emergency response, rehabilitation at recovery, kundi may sobra pa para sa mga darating pang mga bagyo. Huwag sanang ma-divert ang pera sa politika,” dagdag ni Alunan.

ACIRC

ALUNAN

ANG

AYON

BAGUMBAYAN PARTY

HUWAG

MGA

NANAWAGAN

PILIPINO

RAFAEL ALUNAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with