Bangkay na walang ulo nalambat sa dagat

MANILA, Philippines – Ganun na lamang ang pagkasindak ng mga mangi­ngisda matapos mapagkamalang isang malaking isda ang nalambat nilang bangkay ng isang lalaki na walang ulo kamakalawa sa karagatan ng San Ramon, Zamboanga City.

Batay sa ulat ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ng Police Regional Office (PRO) 9 ay kasalukuyang nangi­ngisda dakong alas-11:00 ng umaga ang mga ma­ngingisda nang malambat nila ang bangkay sa karagatan.

Nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) at naiahon ang nasabing bangkay.

Ang bangkay ay nakasuot  ng maong na pantalon at nakabalot ng lambat ang buong katawan na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Show comments