MANILA, Philippines – Brutal ang ginawang pagpatay sa isang babae na umano ay asset ng pulis na matapos ataduhin ng ice pick ang katawan at pinaghahataw pa ang ulo nito ng isang matigas na bagay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Sarah Villanueva, 32, ng Barangay Gulod Novaliches sa lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi sa harap ng isang terminal ng pedicab na matatagpuan sa
Masaya St., Brgy. Gulod nang matagpuang duguang nakabulagta ang biktima.
Malaki ang hinala ng pulisya na ang biktima ay pinatay ng isang grupo ng sindikato ng droga dahil sa pagiging asset ng biktima.