^

Police Metro

2 patay sa road mishap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang dalawa-katao habang 22 naman ang nasugatan makaraang suwagin ng mini-bus ang dalawang jeepney, at bisekleta bago ito sumalpok sa poste ng kuryente sa kahabaan ng national highway sa Mandaue City, Cebu kahapon ng umaga.

Namatay sa Mandaue City District Hospital ang bicycle rider na si Edwin Rago na security guard at isang misis na inaalam pa ang pagkakakilanlan na namatay naman sa Eversley Childs Sanitarium Hospital.

Patuloy namang ginagamot ang mga sugatan na karamihan ay pasahero ng mini-bus.

Sa ulat ng Cebu City Police, naitala ang sakuna sa kahabaan ng Mc Briones Street sa panulukan ng Dungyuan Road sa Basak, Mandaue City bandang alas-5 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang mini-bus na may plakang GWN 430 na patungong Cebu City mula sa bayan ng Carmen kung saan sinalpok ang dalawang pampasaherong jeepney, isang bisikleta, dalawang sibilyan bago ito tuluyang sumalpok sa poste ng kuryente.

Bukod sa dalawang jeepney at isang bisikleta ay minalas ring mahagip ang dalawang sibilyan kabilang ang babaeng may bitbit na aso habang nagjo-jogging na namatay sa trahedya.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties ang driver ng minibus na si Antonio Abatayo.

 

vuukle comment

ANG

ANTONIO ABATAYO

AYON

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

DUNGYUAN ROAD

EDWIN RAGO

EVERSLEY CHILDS SANITARIUM HOSPITAL

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY DISTRICT HOSPITAL

MC BRIONES STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with