Tinedyer binaril sa ulo

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 19-anyos na binata matapos na ito ay malapitang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Barangay Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Renato Cantimbuhan Jr., residente ng Block 39. Lot 18, Purok 4 ng nasabing lugar.

Batay sa ulat,dakong 10:30 ng gabi ay nakatayo ang biktima malapit sa kanilang bahay nang ito ay biglang lapitan ng suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo bago mabilis na tumakas tangay ang ginamit na baril.

Malaki ang hinala ng pulisya na tungkol sa droga ang motibo ng pagpatay sa biktima dahil sa nakitang isang plastic sachet ng marijuana sa crime scene.

Show comments