MANILA, Philippines – Idineklarang dead on arrival ang 50-anyos na si Jose Flores, ng Block 9, Lot 23, Samatad Compound, Brgy. 14 nang saksakin sa dibdib ng kanyang nakaaway na kapitbahay naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay sa Samatad Compound nang harangin ito ng suspek na si Juan Camulo, alyas “Longlong”, kapitbahay ng biktima at kinompronta ito sa kanilang dating alitan.
Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak sa dibdib ang biktima at pagkatapos ay tumakas.