MANILA, Philippines – Mahigit sa P9.4 bilyon ang pinsalang iniwan sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Lando sa pananalasa nito sa bansa partikular sa Central at Northern Luzon.
Inihayag kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, na ang bagyong Lando ay ikinakategorya nila bilang pinakamapaminsala at mapanganib na tumama sa bansa sa taong ito.
Gayunman, higit na mataas ang death toll na nairekord ng mga Office of Civil Defense (OCD) Region 2 at Region 3 gayundin ng PNP sa mga lugar na hinagupit ni Lando na nakapagtala ng 61 kataong nasawi,104 ang nasugatan at lima pa ang nawawala.