Maglola nilamon ng ilog

MANILA, Philippines – Isang maglola ang nasawi matapos na sila ay malunod nang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa  isang ilog sa Purok 5, Brgy. Salaogan, Dimataling,  Zamboanga del Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang maglola na sina Merlina Coral, 51 at Marjorie Lorenia, 6 na ang mga bangkay narekober kinabukasan matapos itong lumutang sa ilog.

Batay sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi ay tumawid sa ilog ang maglola nang abutan ng pagragasa ng tubig na mula sa bundok kaya’t natangay ang maglola.

Ang pagbaha ay sanhi ng 30-45 minutong mga pag-ulan  sa lugar kung saan bumagsak rin ang tubig baha galing bundok bunsod upang umapaw ang nasabing ilog.

Show comments