^

Police Metro

19 opisyales ng PNP sinibak sa serbisyo ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos mapatuna­yang guilty sa maano­malyang pagbili ng police coastal crafts (PCCs) na may halagang  P4.54 mil­yon noong 2009 ay pinasibak ng Ombudsman ang 19 na opisyales ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga pinasisibak sa serbisyo dahil sa kasong Grave Misconduct ay sina  P/SSupt. Asher Dolina, P/SSupt. Ferdinand Yuzon, P/SSupt. Cornelio Salinas, P/SSupt Thomas Abellar, P/SSupt. Nepomuceno Magno Corpus, Jr., P/SSupt. Rico Pa­yonga, P/CSupt. Reynaldo Rafal, P/CSupt. Rizaldo Tungala, Jr., P/SSupt. Alex Sarmiento, PSSupt. Aleto Jeremy Mirasol, P/Supt. Michael Amor Filart, PO3 Avensuel Dy, P/Supt. Job Marasigan, P/Supt. Leodegario Visaya, P/CInsp. Juanito Estrebor at P/CInsp. Re­nelfa Saculles.

 Sibak din sina  P/Supt. Henry Duque at PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato dahil sa Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty habang si P/CSupt. George Piano at COA Auditor for the PNP Jaime Sañares  ay dinismis din dahil sa  Gross Neglect of Duty.

Bukod sa tanggal sa serbisyo, hindi na rin sila pinapayagan na magtrabaho sa gobyerno, walang retirement benefits at kinansela ang civil service eligibility.

Inutos din ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng samut-saring paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) laban kina  P/CSupt. Villamor Bumanglag, kabilang sina Piano, Dolina, Yuzon, Salinas, Corpus, Jr., Abellar, Payonga, Duque, Retrato, Marasigan, Visaya, Estrebor, Saculles, Dy, Rafal, Tungala, Jr., Sarmiento, Mirasol, Sañares, Filart, at  Roselle Ferrer  gayundin si Pacita Umali ng Four Petals Tra­ding (FPT), supplier ng mga  rubber boats.

Dagdag na kasong  Falsification of Public Documents ang inutos na isampa kina Piano at Duque.

Sa record, noong 2009, ang PNP National Headquarters ay nagpalabas ng resolusyon para sa pagbili ng watercrafts kasama na ang 20 PCCs na may P5 milyong budget.

 Si  Bumanglag, dating director of the Maritime Group ay humiling na taasan ang unit price mula P250,000  para gawing P312,000 na nagresulta ng pagbaba ng bilang ng units na hanggang 16 PCCs lamang.

Nang maideliber ang rubber boats at na­inspeksiyon noong March 22, 2010 ay nakitang mayroon itong depekto tulad ng kakulangan sa water temperature gauges, fuel gauges, engine oil pressure gauges at speedometers gayundin ang makina ay hindi gumagana, walang  rudder posts, damaged outrigger; walang ampere gauge; walang  canvass; walang hole back portion ng starboard side; walang alternator at stacked-up transmission at walang heater plug pero tinanggap ng PNP na walang nagreklamo.

Kaya’t ibat ibang pag­labag ang nagawa ng naturang mga akusado tulad ng undated at unnumbered procurement documents at ang  supplier  ay hindi technically, legally at financial capable na magsuplay ng  rubber boats at ang kumpanya ay nasa bahay lamang at walang company website at ang  FPT ay hindi kilala bilang coastal craft-building industry.

Ang pagsibak sa nabanggit na mga opisyal ay agad na inutos  sa Department of the Interior and Local Government at sa Chief ng PNP na ipa­tupad.

ACCOUNTING DIVISION CHIEF ANTONIO RETRATO

ACIRC

ALETO JEREMY MIRASOL

ALEX SARMIENTO

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

GRAVE MISCONDUCT

GROSS NEGLECT OF DUTY

NBSP

SHY

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with