^

Police Metro

Pumasok sa tunnel hindi na nakalabas ng buhay... 3 minero na-gas poison

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong minero makaraang aksidenteng malanghap ang nakalalasong gas sa loob ng isang minahan sa Loacan, Itogon, Benguet.

Ang mga nasa­wing  biktima ay kinilalang sina Sabado Maliongan, 22; Igan Lomebyang, 25 at Ricky Licawen; pawang residente ng nasabing lugar.

Ang bangkay ng mga biktima ay nadiskubre kamakalawa ng alas-6:00 ng umaga ng kanilang kasamahang minero na si Francis Dagayon.

Ayon kay Dagayon na pumasok siya sa tunnel ng minahan upang hanapin ang mga kasamahan at nagulantang ng bumulaga sa kaniya ang bangkay ng tatlo.

Batay sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng hapon noong Miyerkules nang pumasok sa minahan ang tatlong biktima sa nasabing lugar, subalit hindi nakauwi ng kanilang mga bahay kinagabihan kaya’t hinanap ito ni Dagayon kinabukasan ng umaga at nadiskubre ang mga bangkay.

Ipinagbigay-alam ni Dagayon sa kanilang employer ang insidente na siya namang nag-report sa pu­lisya para maiahon ang mga bangkay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

BENGUET

DAGAYON

FRANCIS DAGAYON

IGAN LOMEBYANG

IPINAGBIGAY

RICKY LICAWEN

SABADO MALIONGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with