MANILA, Philippines - Ibinasura ng prosekusyon ang kahilingan ni detained Senator Bong Revilla na makapunta sa pagdiriwang ng 18th birthday party ng anak nitong babae sa Sabado ng gabi, October 24, 2015.
Batay sa mosyon ni Revilla na upang maisagawa ang obligasyon bilang ama ay humihingi ito ng tatlong oras mula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-10:00 para makadalo sa debut ng anak na si Ma. Fraznel Loudette Bautista sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa.
Sa pagbusisi ng Sandiganbayan First Division sa mosyon ni Revilla ay sinabi ni lead prosecutor Joefferson Toribio na hindi dapat payagan ang hiling ng Senador dahil sa kakulangan ng merito.
Kapag pinagbigyan umano ang gusto ni Revilla ay lilikha lamang ito ng haka-haka sa publiko na mayroong bilanggo na pinapaboran dahil sa isa itong mambabatas.